Pagsisimula sa eRehistro
Ang RD eRehistro ay isang online platform para sa land registration document pre-check. Dito mo puwedeng i-upload ang property details at requirements mo para ma-review muna ng staff bago ka pumunta sa opisina ng Registry of Deeds.
Daloy ng Proseso (Workflow)
I-rehistro ang Property
Ipasok ang detalye ng property sa account mo
I-upload ang Documents
Piliin ang transaksyon at i-upload ang malinaw na scans
Pagsusuri ng Staff
Ire-review ng staff ang mga files at magbibigay ng feedback
Mag-book at Pumunta
Pumili ng appointment schedule at dalhin ang original documents
Paggawa ng Iyong Account
Pumunta sa Sign Up Page
Bisitahin ang www.rderehistro.com, i-click ang Login at piliin ang Sign Up.
I-fill out ang mga Detalye
Ilagay ang iyong email, password (minimum 8 characters), buong pangalan, at active mobile number.
I-verify ang iyong Email
I-click ang Create Account at tingnan ang verification link sa iyong email inbox o spam folder.
I-activate ang Account
I-click ang link sa email para ma-activate ang account. Pagkatapos nito, pwede ka nang mag-sign in!
Bakit kailangan gumamit ng eRehistro?
- Pwede mong i-check kung kumpleto ang documents gamit lang ang computer o phone.
- Iwas pabalik-balik sa Registry of Deeds dahil sa kulang na requirements.
- Makakatanggap ka ng real-time updates via email at SMS.

